top of page

Gawaing Papel 2: Replektibong Sanaysay

Paulit-ulit na Balangkas

Isinulat nina: Kat Costales, Rie Kakizaki at AJ Perez

          Sinusuportahan natin lagi ang ating mga Pilipinong palabas sa telebisyon. Ang mga palabas tulad ng “Wildflower”, “Pusong Ligaw”, at “La Luna Sangre” ay patok nung mga araw na pinalabas ito. Subalit, marami sa ating mga palabas sa telebisyon ay hindi na orihinal at ginawang muli o kaya kumuha na lamang sa ibang bansa tulad na lamang ang mga Korean o Taiwanese nobela. Halimbawa, “Meteor Garden” na pinalabas na ito paulit-ulit sa ABS-CBN at mayroon pa itong remake noong 2018. Kung hindi naman, may mga palabas na sobrang tagal na pinapakita at parang wala ng katapusan ang istorya tulad na lamang ang “FPJ’s Probinsyano” at “Be Careful With My Heart”. Marami sa atin ay hindi na nanonood ng telebisyon dahil alam na natin kung paano na ito magtatapos at kung paano na ito mangyayari. Balang araw ay baka bilang na lang ang nanonood sa ating mga teleserye. Kaya, gusto pa ba natin panoorin ang mga paulit-ulit na teleserye na ito? O baguhin na ito at gumawa ng orihinal para ipagmalaki din sa ibang bansa?

          Iisa lang ang ating mundo pero iba’t ibang kwento ang nagaganap. Pagdating sa mga paggawa ng pelikula , kailangang gumawa ng script na iisa lang ang kwento. May mga kwento na pare pareho ang balangkas. Sa mga Filipino Teleserye katulad ng Probinsyano na pinalabas noong 28 September 2015. Ang Probinsyano ay napapalabas hanggang 2019 at hindi pa alam kung kailan matatapos. Para sa akin kahit ilang panahon na ang nakalipas lahat ng mga kwento ay pare-pareho. May nabalitaan akong namatay ang bida si Coco Martin at muli siyang nabuhay dahil nag karoon siya ng kakambal pero si Coco pa din ang artista. Puros labanan, awayan sabunutan sa mga Pinoy Teleserye. Higit sa paggamit ng parehong serye, maraming mga ‘clicés’ ang ginagamit, sa punto na ang bawat isa ay halos kinopya lamang. Ayon kay Canto, Philippines, isa sa mga pinaka gamit na clicès ay ang ‘Kabit’, ‘Love Triangle’ at ‘Langit-Lupa’. Ayon kay Villianueva E., mayroon siyang listahan ng cliche soap-opera, telenovela mga balangkas tulad ng mga sumusunod: Rich Character, Poor Character Plot - mayaman na si señorito ang umiibig sa mahihirap na dalaga o manggagawa ng asyenda, asahan silang makipaglaban sa lahat ng mga posibilidad para sa kanilang pag-ibig; Amnesia Plot - Lamang kapag ang lahat ng bagay na maayos para sa bida, isang ulo bump o isang traumatiko insidente mga lugar ng pagkasira lahat, na nagreresulta sa isang kumpletong wipeout memory; Pagkuha ng Kidnapping, Car Chase, Mga Eksena sa Warehouse; Pagpapalit ng Sanggol - Nakipagpalitan, nanakaw at nailagay sa ibang lugar ang mga sanggol o bata ay isang pamantayan sa teleserye; at iba pa.

         

         Sa pangkalahatan, naniniwala kami na ang teleserye ng Pilipino ay sobra sa paulit-ulit na paggamit ng parehong balangkas. Wala nang pagka-orihinal dahil minsan humiram ang mga gumagawa ng teleserye sa iba’t ibang bansa.

Sanggunian:


 

Villanueva, E., ( 2013, January 28) https://www.pep.ph/guide/tv/11369/commentary-clichs-that-plague-filipino-teleseryes

 

Philippine Daily Inquirer (2017, August 4)Filipino TV shows should make us   proud Nakuha sa: https://opinion.inquirer.net/106062/filipino-tv-shows-make-us-proud

 

Canto Philippines (6 April, 2017) AGAIN? Top 10 overused plots in Filipino Teleseryes. Nakuha sa: https://canto.ph/top-overused-plots-filipino-teleseryes/

 

IMDB (N/D) Ang Probinsyano. Nakuha sa: https://www.imdb.com/title/tt6155146/

Gawaing Papel: Sintesis 

 

 

Issue ng Health Care sa Pilipinas

Isinulat nina: Eliza Bumanlag, Rie Kakizaki

Ang kalusugan natin ay mahalaga dahil kung hindi tayo malusog ito ay makakaapekto sa amating pang-araw-araw na gawain. Pagiging malusog ay nakakatulong sa iyong pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan. Sa mga napanood namin na video ang mga ito ay tunkol sa mga medikal na gamit na hindi sapat sa mga taga bundok.

             Ang video na “Ambulansya de Paa”  ay tungkol kay Noein na may sakit na Tuberculosis (TB). Mahirap dahil si Noein sa malapit na hospital dahil sa walang  ambulansiya. Ibinibitbit ang mga may sakit sa isang duyan na dinadala nila pababa ng bundok. Pagdating nila sa hospital na ibigay na nila ang mga kailangan ni Noein, mga gamot para mahilum ang kanyang  sakit. Tungkol naman sa “Reporter's Notebook: Ilang mga barangay sa bansa, kapos sa medical facilities at supplies”, sa aming napanood kulang kulang ang Barangay Health Station sa medikal supplies. Hindi sila sapat sa mga gamot para sa immunization, kahit ang mga simpleng sugat mahirap magamot. Sa pamamagitan ng halos dalawang out sa bawat tatlong Pilipino (63 porsiyento) ay tumutukoy sa kanilang kalusugan bilang pangunahing pangangailangan.

             Mayroong maraming mga indikasyon na marami pa ang dapat gawin upang magkaroon ng isang mataas na antas na sistema ng pangangalagang pangkalusugan, o pangangalagang pangkalusugan na mayroon ang lahat ng mamamayan. Sa pamamagitan ng katibayan na ipinahiwatig tungkol sa mga epekto ng hindi pagkuha ng anumang aksyon upang magbigay ng ganitong uri ng pangangalagang pangkalusugan, napansin ng pamahalaan at ang mga tao ay nagsimula upang makatulong na magbigay ng isang mataas na antas ng serbisyo sa larangan ng kalusugan. Ang kamalayan na ang kalusugan ng mga Pilipino ay napakahalaga ay mapapalibot.

  • Facebook
  • Instagram

© 2023 by Sasha Blake. Proudly created with Wix.com

bottom of page